Shark's Tail

Archive/RSS/Ask

Shark's Tail Ito ang kwento ng buhay ko.
Buhay dagat.
Buhay kasama ang PATING.
Buhay BUBUYOG.
Buhay BABOY.
Married.

BUHAY BUM vs BUHAY PRODAKTIB

<053111>

productive ang araw ko na ‘to! (sa tingin ko) natapos ko na kasi piliin ang pictures ko for the album, at last after a year. naburo na sa office nila ang photos at videos ko. somehow ayoko na makita yung video ko, kasi epic fail. though i want to see HER. HER. HER. yung panahong nagsisimula pa lang kami. gusto ko makita yung regalo nya kahit sa video man lang. hay, asan na kaya ang regalo nya na un, isang munting orange na kahon. kung sino man ang nakapulot nun, sana natutuwa sya ngayon sa yupee na dog tag. 

ilang araw na lang anniversary na namin! magkikita na kami! maglilinis na kami ng bahay (dorm) namin! hindi na dorm yun, kasama ko na kasi mahal ko. kaya bahay na yun. magsasama na kami. another year of forever.

kasalukuyang natutulog na siya ngayon. umiiyak kaya ulit sya? wala ko magawa kahit gusto ko syang patahanin. gusto ko syang akapin para hindi na sya nalulungkot. konting tiis na lang mahal ko. konti na lang. we’ll be in HEAVEN soon. HAHAH!

dahil 19 years old na ko. right decisions. RIGHT. at napagpasyahan kong hindi ako magiging kampante lang sa buhay ko. hindi ako mgpapakabum. minsan lang ako magpapakabum. HAHA . pero pinapangako ko sa sarili ko na magiging productive na estudyante na ako. oo kaya ko yun. may ispirasyon ako. salamat sa’yo mahal ko.

thirteen days before start of classes! Make the most out of it! :)